PAGPROTEKTA SA IYONG PRIVACY– ANG AMING PANININDIGAN

  1. ANG TATA COMMUNICATIONS AT ANG IYONG PRIVACY
  2. PAANO KAMI KOKONTAKIN
  3. IMPORMASYONG KINOKOLEKTA NAMIN TUNGKOL SA IYO AT PAANO NAMIN KINOKOLEKTA ITO
  4. PAANO NAMIN GINAGAMIT ANG PERSONAL NA DATOS NA KINOKOLEKTA NAMIN?
  5. ANO ANG KATUWIRAN SA PAGGAMIT NA ITO?
  6. KAILAN NAMIN IBINABAHAGI ANG PERSONAL NA DATOS NA KINOKOLEKTA NAMIN
  7. INTERNASYONAL NA PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATOS
  8. ANONG MGA KARAPATAN ANG MAYROON AKO KAUGNAY NG AKING PERSONAL NA DATOS
  9. GAANO NINYO KATAGAL PANANATILIHIN ANG PERSONAL NA DATOS KO
  10. SEGURIDAD NG DATOS
  11. MGA PAGBABAGO SA PATAKARAN

Ang Tata Communications ay iginagalang ang iyong privacy at naninindigan sa pagtitiyak na ang mga akmang mga proteksyon ay pinapatupad para sa iyong personal na datos. Tatalima kami sa lahat ng kasalukuyang naaangkop na batas tungkol sa proteksyon, seguridad at pagkakumpidensiyal ng personal na datos. Sa Patakaran sa Privacy na ito (ang “Patakaran”), inilalarawan namin kung paano kami nangongolekta, gumagamit, nagsisiwalat at nangangalaga ng personal na datos.   Ibinabalangkas din namin ang mga karapatan na maaaring mayroon ka tungkol sa iyong personal na datos na hawak namin.  Ang Patakaran ay kaugnay  ng iyong personal na datos na maaari naming iproseso sa pamamagitan ng paggamit mo ng Wi-Fi Hotspot, car connectivity at/o mga serbisyo ng (e)SIM na magagamit sa iyong Jaguar Land Rover (“JLR”) na sasakyan (ang “Mga Serbisyo”). 

Ang Patakarang ito ay ibinibigay sa layered na format, para puwede kang mag-click sa partikular na mga bahagi na nakalagay sa ibaba na maaaring pinakainteresante sa iyo.

  1. ANG TATA COMMUNICATIONS AT ANG IYONG PRIVACY
    1. Ang pagprotekta sa iyong privacy ay mahalaga sa amin at isang responsibilidad na sineseryoso naming mabuti.
    2. Sino kami? Ang Tata Communicatons (Netherlands) B.V. ay ang tagakontrol ng at responsable sa mga Serbisyo.  Ang mga pagbanggit ng “kami”, “namin” o “amin” sa Patakaran na ito ay tumutukoy sa kumpanyang ito na responsable sa pagpoproseso, pangongolekta at pagtatago ng iyong personal na datos.
    3. Ang karagdagang impormasyon sa aming mga kasanayan sa personal na datos ay maaaring ibigay sa mga kasunduang napapailalim sa kontrata, karagdagang mga payahag sa privacy, o mga abisong ibinibigay sa iyo bago ang o sa panahon ng  pangongolekta ng iyong personal na datos.
    4. Ang paggamit mo ng aming Mga Serbisyo, at anumang alitan sa privacy, ay napapailalim sa Patakarang ito, sa aming mga Tuntunin ng Serbisyo (na isinama sa pamamagitan ng pagbabanggit sa Patakarang ito) at sa anumang nakasulat na kontrata para sa mga serbisyo sa pagitan mo at namin o sinumang taong nagbibigay sa iyo ng access sa aming mga Serbisyo.  
  2. PAANO KAMI KOKONTAKIN
  3. Para sa anumang mga tanong tungkol sa Patakarang ito at sa aming mga kasanayan sa pagprotekta ng datos o upang gamitin ang alinmang mga karapatan na maaaring mayroon ka kaugnay ng iyong personal na datos sa ilalim ng naaangkop na batas, maaari mong gamitin ang aming self-service portal na mapupuntahan dito.

    Ang aming postal address para sa anumang mga tanong ay:

    Tata Communications (UK) Limited Legal Compliance – Data Protection and Privacy
    Vintners Place
    68 Upper Thames Street
      London, EC4V3BJ
    United Kingdom

    Para sa Germany, Singapore at India, puwede mong kontakin ang aming Data Protection Officer (“DPO”) sa pamamagitan ng paggamit ng aming form sa pakikipag-ugnayan sa DPO na makukuha rito.

  4. IMPORMASYONG KINOKOLEKTA NAMIN TUNGKOL SA IYO AT PAANO NAMIN KINOKOLEKTA ITO
    1. Maaari kaming mangolekta o tumanggap mula sa JLR ng iba’t ibang uri ng personal na datos batay sa iyong paggamit ng aming mga Serbisyo.  Ang sumusunod ay overview ng mga kategorya ng impormasyon na maaari naming kolektahin o tanggapin:
      1. Impormasyon ng Account:
        1. Impormasyon ng contact na nagpapahintulot sa aming makipag-ugnayan sa iyo. Kinukuha namin ang impormasyong ito kapag umoorder o nagrerehistro ka para tumanggap ng alinman sa aming mga Serbisyo. Nangongolekta o tumatanggap kami ng impormasyon mula sa iyo kapag nag-sign up ka para sa aming mga Serbisyo, lumikha ng online account, bumili, humiling ng mga detalye o call back, nagsumite ng kahilingan para sa suportang teknikal, pang-customer o sa pagsingil, sumali sa isang paligsahan o survey, nagbigay sa amin ng feedback o nakipag-ugnayan sa amin. Ang uri ng impormasyong kinokolekta namin ay nakadepende sa interaksiyon mo sa amin o sa JLR, pero maaaring kabilangan ng iyong pangalan, address, numero ng telepono (sa negosyo o personal), email address, postal/billing address (negosyo o tirahan), petsa ng kapanganakan, numerong pagkakakilanlan ng device/sasakyan, petsa ng pagsisimula ng serbisyo, at anumang ibang mahalagang impormasyon tulad ng patunay ng ID o tirahan. Ang pagbibigay mo ng naturang datos ay kondisyon para makipagkontrata kami sa iyo.
        2. Ang Impormasyon sa Pagsingil na kaugnay ng komersiyal at pinansiyal na relasyon mo sa amin tulad ng mga serbisyong ibinibigay namin sa iyo, ang mga numero ng teleponong tinatawagan o tine-text mo, paggamit mo ng Internet, mga time stamp o iba pang metadata ng paggamit mo ng aming serbisyo, kasaysayan ng pagbabayad mo, kasaysayan ng utang mo, mga numero ng credit card mo, social security number (kung saan pinahihintulutan ng batas), mga kodigo ng seguridad at kasaysayan ng serbisyo mo.
      2. Impormasyong Teknikal at Paggamit kaugnay ng mga Serbisyong ibinibigay namin sa iyo, kasama ang impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming mga Serbisyo. Kasama sa ilang halimbawa ang:
        1. Datos ng mga Kagamitan: Impormasyong kaugnay ng at nagpapakilala sa kagamitan sa aming mga network na maaari mong gamitin o mag-interface. Maaaring kasama ng impormasyon ang uri ng kagamitan, mga nagpapakilala sa device, kalagayan ng device, mga serial number, mga setting, kompigurasyon at uri ng software. 
        2. Pagganap at Paggamit ng Network: Impormasyon tungkol sa operasyon ng kagamitan, mga serbisyo at mga aplikasyong ginagamit mo sa aming mga network. Kasama sa mga halimbawa nito ang lokasyon ng wireless device (para sa mga layunin ng pag-roaming) at uri. kung saan ginawa ang pagtawag para sa tulong sa emerhensiya o pagkasira at gayundin ang: petsa nito, oras, tagal at halaga, mga minuto na pangtawag na ginamit, mga rekord ng pagtawag, bandwidth na ginamit.   Kinokolekta rin namin ang impormasyong tulad ng mga bilis at pagkaantala ng transmisyon, datos na kaugnay ng remote monitoring services at mga katangian ng seguridad, at impormasyon tungkol sa paggamit mo ng aming interconnected voice over internet protocol (VoIP) na mga serbisyo (kasama ang mga serbisyong binili nang offline).
    2. Maaari naming kolektahin ang personal na datos sa itaas sa kurso ng pagbibigay ng mga Serbisyo sa iyo o sa sinumang nagbigay sa iyo ng access sa aming mga Serbisyo. Maaari naming makuha ang impormasyong ito sa ilang paraan, halimbawa:
      1. direkta mula sa iyo: halimbawa, kapag nagbigay ka ng mga detalye mo para makapag-subscribe sa aming mga Serbisyo o makipag-ugnayan sa amin para sa isang teknikal na pagtatanong.  
      2. awtomatiko: kapag ang personal na datos ay nagawa sa pamamagitan ng paggamit mo sa aming mga Serbisyo.
      3. mula sa mga pinagmumulang ikatlong partido: kinokolekta namin minsan ang mga kategorya ng personal na datos sa itaas tungkol sa  iyo mula sa mga pinagtitiwalaang ikatlong partido, kaugnay ng mga Serbisyong ibinibigay namin sa iyo o iminumungkahing ibigay sa iyo, kung saan naaayon at sa hangganang may makatuwirang batayan kami para gawin ito. Kasama sa mga ito ang JLR bilang tagapagmanupaktura ng iyong sasakyan, mga ahensiya ng KYC/pagpigil sa panloloko, mga direktoryong pangnegosyo, mga ahensiya ng credit check at KYC reference/vetting at mga konektadong network provider.
  5. PAANO NAMIN GINAGAMIT ANG PERSONAL NA DATOS NA KINOKOLEKTA NAMIN?
    1. Inilatag namin sa ibaba ang ilang paraan kung paano namin iprinoproseso ang personal na datos:
      1. Pagbibigay sa iyo ng access sa mga Serbisyo: Pangasiwaan ang application mo at tiyaking karapat-dapat kang bigyan ng access sa aming mga Serbisyo. Kasama rito ang pagkilos patungkol sa mga ilegal na aktibidad, KYC/panloloko, mga banta sa aming pag-aari o tauhan at mga paglabag sa aming mga Tuntunin ng Serbisyo at/o naaayong batas at gayon din para matugunan ang aming mga obligasyon sa batas at regulasyon.
      2. Pagbibigay sa iyo ng hiniling na mga Serbisyo: Kasama rito ang pakikipag-ugnayan sa iyo at pagbibigay sa iyo ng hiniling na mga Serbisyo.
      3. Pangasiwaan ang mga account at tulungan kang pangasiwaan ang iyong account: Kasama rito ang pakikipag-ugnayan sa iyo tungkol sa paggamit mo ng aming mga Serbisyo, pagtugon sa iyong mga katanungan, pagbibigay ng anumang impormasyong hiniling mo, pagsagot sa mga tiket ng teknikal na suporta, at pagbibigay ng suporta sa serbisyo sa kostumer.
      4. Pagproseso ng mga bayad at pag-invoice: Kuhanin at iproseso ang mga bayad, kasama rito ang pagkilos laban sa mga aktibidad ng panloloko at pagtalima sa aming obligasyon sa batas at regulasyon. 
      5. Pagprotekta sa integridad ng aming network: Panatilihing ligtas ang mga bagay, pangalagaan ang personal na datos mo laban sa anumang pagkawala, pagkasira, pagnanakaw o di-awtorisadong access, pigilan ang krimen at panloloko, usigin ang mga nagkasala at pangalagaan ang pambansang seguridad.
      6. Pangangasiwa sa aming network: Pangasiwaan ang aming network at paggamit mo ng aming network. Kasama rito ang pangangasiwa sa mga daloy ng datos na dumadaan sa aming network para matiyak ang pinakamahusay na posibleng kalidad ng Serbisyong makukuha mo. 
      7. Pananaliksik at pagpapaunlad sa aming mga Serbisyo: Pahusayin ang aming (at ikatlong partidong katuwang) mga Serbisyo at magpaunlad ng mga bago sa tulong ng mga estadistika sa paggamit ng aming mga Serbisyo. 
      8. Pagbebenta at kaugnay na mga aktibidad: Nagpapadala sa iyo ng impormasyon tungkol sa aming mga Serbisyo, maliban kung sinabihan mo kaming huwag. Kapag kailangan kaming kumuha ng pagsang-ayon mo para sa mga aktibidad na ito, may karapatan kang bawiin ang gayong pagsang-ayon anumang oras sa pamamagitan ng pag-contact sa amin sa mga detalye ng pakikipag-ugnayan na nakalatag sa Patakarang ito. 
      9. Pagtalima sa mga kailangan sa batas: Kolektahin at panatilihin ang datos tungkol sa iyo kung saan ito ay kinakailangan sa ilalim ng naaayong batas, halimbawa, datos ng pagkakakilanlan.
      10. Tumugon sa mga kahilingan mula sa kinauukulang mga awtoridad at mga kailangan sa regulasyon: Puwede  naming gamitin ang personal na datos mo para tumugon sa mga kahilingan mula sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas o ibang pampublikong mga awtoridad. Maaaring i-atas sa amin nito na isiwalat ang mga detalye ng pakikipag-ugnayan mo at/o impormasyon tungkol sa paggamit mo ng aming mga Serbisyo sa gayong mga awtoridad o para harangin, sabatin o kundi man ay hadlangan ang paggamit mo sa aming mga Serbisyo at anumang personal na datos na nalikha sa paggamit.
  6. ANO ANG KATUWIRAN SA PAGGAMIT NA ITO?
    1. Sa EU, ang katuwiran namin (o legal na batayan) sa pagproseso ng personal na datos mo ay magbabago depende sa impormasyon mismo, relasyon namin sa paksa ng personal na datos, sa Serbisyong ibinibigay, sa partikular na kailangang legal at pang-regulasyon ng bansa kung saan ang mga Serbisyo ay ibinibigay o prinoproseso ang personal na datos gayon din ang maraming iba pang bagay.  Sakop ng mga pagbabago sa partikular na mga bansa, ang legal na mga batayan sa pagproseso ay sumusunod:
      1. Para makapagtransaksiyon sa iyo, sa mga suplayer at mga kasosyo sa negosyo, makipag-ugnayan sa iyo at magproseso ng mga kabayaran at magbigay sa iyo ng access sa mga Serbisyo, kailangan naming iproseso ang impormasyon tungkol sa iyo tulad ng kinakailangan para makapasok sa o magawa ang kontrata sa iyo.
      2. Pinoproseso namin ang personal na datos para sa mga aktibidad sa pageendorso at pagbebenta batay sa iyong pagsang-ayon kung kinakailangan at nakasaad sa aming mga site o sa oras na nakolekta ang personal na datos mo, o dagdag sa lehitimong interes namin na magendorso at magsulong ng aming mga produkto at mga serbisyo o para pahusayin o paunlarin ang mga ito. 
      3. Umaasa kami sa aming lehitimong mga interes para magproseso ng impormasyon para masuri, mapaunlad, mapahusay at maisagad ang aming mga Serbisyo, at para mapanatili ang seguridad at integridad ng aming network at mga sistema. Mayroon din kaming lehitimong interes sa paggamit ng iyong personal na datos kaugnay ng mga legal na paghahabol, at para sa mga layunin na ukol sa pagtalima, regulasyon at pangsiyasat ayun sa kinakailangan. 
      4. Dahil hinihingi sa amin ng naaayong mga batas (kasama ang mga batas sa telekomunikasyon), mga regulasyon o pampublikong interes, tulad ng para makatalima sa mga legal na proseso, pagpapatupad ng batas o mga regulatory na ahensiyaa o para tumulong sa pagpigil, pagtukoy at pag-usig sa krimen.
      5. Kapag itago mo ang anumang impormasyong hiningi, maaaring hindi ka namin mabigyan ng ilang mga serbisyo o pagganap. 
    2. Pagsandig sa aming lehitimong mga interes: Nakapagpatupad na kami ng mga pagsusuring pambalanse para sa lahat ng pagproseso ng datos na isinasagawa namin batay sa aming lehitimong mga interes, na nailarawan namin sa itaas. Puwede kang kumuha ng impormasyon  sa alinman sa aming mga pagsusuring pambalanse sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang mga detalyeng nakalatag sa Patakarang ito.
    3. Sa lahat ng bansa (maliban sa EU o sa mga nasasakupan kung saan mayroong katulad na mga atas), ang katwiran namin sa pagproseso ng personal na datos mo ay ibabatay sa iyong pagsang-ayon at pagtanggap sa mga Tuntunin ng Serbisyo at ng Patakarang ito.
  7. KAILAN NAMIN IBINABAHAGI ANG PERSONAL NA DATOS NA KINOKOLEKTA NAMIN
    1. Alinsunod sa pagkuha ng pagsang-ayon mo kung kailangan sa ilang nasasakupan, maaaring ibahagi o isiwalat namin ang personal na datos mo ayun sa kinakailangan para sa mga layuning nakalarawan sa itaas at nakadetalye pa sa ibaba:
      1. Mga Affiliate.. Maaari naming isiwalat ang impormasyong nakolekta namin mula sa iyo sa aming mga affiliate. Kung saan pinapahintulutan ng batas at kailangan ang pagsang-ayon mo, maaaring gamitin ng mga affiliate namin ang iyong impormasyon para sa mga layuning nakasaad sa dokumentong ito, kasama ang pageendorso ng kanilang mga produkto at mga serbisyo sa iyo.  Sa pagproseso ng iyong personal na datos, sinusunod ng mga affiliate namin ang mga gawaing nangangalaga tulad ng nakalarawan sa Patakarang ito.   Ang listahan ng aming mga affiliate ang makukuha rito.
      2. Ikatlong Partidong Tagapagbigay ng Serbisyo Ineempleyo namin ang ibang mga kumpanya at mga indibidwal para magsagawa ng mga tungkuling kailangan sa pagbibigay ng mga Serbisyo o para sa mga layuning nakalarawan sa itaas. Kasama sa mga halimbawa ang: pagpapadala ng mga komunikasyon, pagproseso ng mga bayad, pagtatasa sa mga panganib sa kredito at pagtalima para mabigyan ka ng access sa aming mga Serbisyo, pagsusuri sa mga datos, pagsasagawa ng pangangasiwa sa relasyon sa kostumer, at pagkuha ng mga katuwang na network, mga kontratista o mga ahente, na nagsasagawa ng mga tungkulin para sa amin.  Kasama sa mga ikatlong partidong ito ang ibang tagapagdala o tagapagbigay na maaaring magsiwalat ng personal na datos mo kung saan kailangan para maibigay ang aming mga Serbisyo o tuparin ang mga kahilingan o mga order mo, pagtupad sa serbisyo/order, serbisyo sa kostumer, at pagkolekta ng bayad, sa maraming iba pa.   Ang mga ikatlong partidong tagapagbigay ng serbiyo na ito ay may access sa personal na datos na kailangan para magawa ang kanilang tungkulin pero hindi ito maaaring gamitin para sa ibang layunin kung saan sila nagproproseso ng personal na datos mo para sa amin.  Sa tuwing nagbabahagi kami ng personal na datos sa mga ikatlong partido, gumagawa kami ng mga hakbang para matiyak na ang mga kontrata sa ikatlong partido ay nagtataglay ng nababagay na mga pagprotekta sa iyong personal na datos.
      3. Mga Paglilipat ng Negosyo. Kapag kami ay binili o sumanib sa ibang kumpanya, o kung sa esensiya lahat ng aming assets ay nailipat sa ibang kumpanya (na maaaring maganap bilang bahagi ng mga hakbang sa pagkabangkarote), maaari naming ilipat ang iyong personal na datos sa ibang kumpanya. Maaaring kailanganin din naming isiwalat ang personal na datos mo bago ang anumang gayong pagbili o pagsanib, halimbawa sa aming mga tagapayo at anumang tagapayo ng prospektibong bibili. 
      4. Legal na Proteksiyon at Bilang Tugon sa Legal na Proseso. Maaari naming isiwalat ang impormasyong kinokolekta namin sa iyo para (i) tumalima sa naaayong batas, mga hakbang na pambatas, mga utos ng korte o ibang legal na kailangan o (ii) kapag naniniwala kami sa mabuting pananampalataya na ang pagsiwalat ay kailangan para pangalagaan ang aming mga karapatan, pangalagaan ang iyong kaligtasan o kaligtasan ng iba, siyasatin ang panloloko, o tumugon sa mga hinihingi ng gobyerno, kasama ang mga awtoridad ng gobyerno na nasa labas ng bansang tinitirhan mo, para sa mga layunin ng pambansang seguridad at/o pagpapatupad ng batas. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang personal na datos na kinokolekta namin mula sa iyo ay maaaring ibahagi ng mga awtoridad ng gobyerno o mga opisyal na nagpapatupad ng batas para sa mga layunin sa itaas kung naniniwala kami, sa mabuting pananampalataya, na obligado kaming gawin ang gayon, kung mayroong nakapanghihimok na mga dahilan ng pampublikong interes na gawin ang gayon o kung kailangan para sa legal na proteksiyon ng aming komersiyal, pinansiyal, legal, reputasyonal o ibang lehitimong mga interes bilang pagtalima sa naaayong mga batas. 
      5. Pagbahagi ng Pinagsama-sama at Inalisan ng Pagkakakilanlan na Impormasyon.  Maaari naming gamitin ang personal na datos mo para lumikha ng impormasyon na pinagsama-sama at inalisan ng pagkakakilanlan na maaari naming ibahagi sa mga ikatlong partido.  Walang sinumang makakakilala sa iyo mula sa inalisan ng pagkakakilanlan na impormasyong iyon.  Sa ibang mga pagkakataon maaaring bigyan namin ng bansag ang personal na datos mo bago ibahagi ito sa ikatlong partido para puwede ka naming iugnay ulit sa impormasyon sa sandaling naiproseso at naibalik na ito sa amin.  Kahit hindi ka makikilala ng ikatlong partido sa  impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan, magagawa pa rin namin iyon.  Tinatrato namin ang datos na inalisan ng pangalan na parang personal na datos at tinitiyak ang parehong antas ng proteksiyon para rito kapag ibinabahagi sa mga ikatlong partido.
      6. Para sa naaangkop na mga nasasakupan lang (hal. Japan o China) sumasang-ayon ka rito sa amin sa paghabagi ng iyong datos sa mga ikatlong partido o mga kategorya ng ikatlong partidong nakalista sa sugnay na ito. 
  8. INTERNASYONAL NA PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATOS
    1. Naka-kondisyon sa pagkuha ng pagsang-ayon mo na kinailangan sa ilang nasasakupan, maaaring dalhin ng Tata Communications ang personal na datos nang lampas sa mga pambansang hangganan.    Sa paggawa nito, ang personal na datos mo ay maaaring ilipat sa at iproseso ng ibang entidad ng Tata Communications at/o walang kaugnayang ikatlong partido.
    2. Lahat ng entidad ng Tata Communications ay pumirma ng isang intra-grupong kasunduan na lumalapat sa paglilipat ng personal na datos sa labas ng EU o sa mga nasasakupang hindi nagbibigay ng sapat na mga antas ng proteksiyon alinsunod sa lumalapat na batas.  Ang listahan ng aming mga affiliate at lokasyon nila ang makukuha rito;.Ang kasunduang ito ay nakabatay sa mga sugnay ng pamantayang kontrata ng EU Commission (at nagtatakda kung gayon ng pamantayan ng proteksiyon para sa personal na datos na katumbas ng iniaalok sa loob ng EU).  Sa paraang ito natitiyak namin na nakalagay ang sapat na mga proteksiyon para sa seguridad ng personal na datos mo kapag inililipat ito sa isa sa aming mga kaanib, saan man sila matatagpuan sa mundo.  Puwede kang kumuha ng kopya ng mga sugnay na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin.
    3. Kapag ibinahagi namin ang personal na datos mo sa mga ikatlong partidong walang kaugnayan sa Tata Communications Group, hinihiling namin sa lahat ng gayong ikatlong partido na igalang ang seguridad ng personal na datos na iyon at tratuhin ito alinsunod sa angkop na mga batas sa proteksiyon ng datos.  [Para sa India lang: Tinitiyak din namin sa pinakamababa, ang parehong antas ng proteksiyon ng datos ay sinusunod ng mga ikatlong partido, tulad ng pagbibigay mo nito sa amin]. Kapag kinukuha namin ang ikatlong partidong tagapagbigay ng serbisyo para iproseso ang personal na datos mo para sa amin, hindi namin sila pinapayagang gamitin ang personal na datos na iyon para sa sarili nilang mga layunin at pinapayagan lang silang iproseso ito para sa sarili naming nakasaad na mga layunin at alinsunod sa aming mga tagubilin.  Kapag nagsisimula ng gayong mga relasyon ng tagaproseso, titiyakin namin na nakalagay ang sapat na mga pagprotekta para sa iyong personal na datos gamit ang mekanismo sa paglipat ng datos na pinakaakma sa personal na datos at mga bansa sa loob nito o sa maaaring paglilipatan ng personal na datos.  Kung saan pinapayagan ng batas, maaaring kasama sa mekanismong ito ang: paggamit ng mga sugnay sa kontrata na aprubado ng EU; pagtiyak na naipatupad ng tatanggap ang aprubado ng EU na Binding Corporate Rules na gumagabay sa paglilipat o personal na datos; o (sa US) Privacy Shield Certified (EU at Swiss Privacy Shield);  o kinukumpirma na ang bansa kung saan matatagpuan ang tatanggap ay pormal na nakumpirmang nagbibigay ng sapat na mga proteksiyon para sa personal na datos ng EU.  
    4. Para sa naangkop na mga nasasakupan lang (hal. Mexico, Russia, China at Argentina): Sa paggamit ng mga Serbisyo, hayagan kang pumapayag sa mga paglilipat ng personal na datos sa ikatlong mga bansa kung saan kailangan nito ang pagsang-ayon mo.
  9. ANONG MGA KARAPATAN ANG MAYROON AKO KAUGNAY NG AKING PERSONAL NA DATOS
    1. Sa ilalim ng batas ng maraming bansa, mayroon kang ilang mga karapatan kaugnay ng iyong personal na datos na hawak namin at iginagalang at binabantayan namin ang mga karapatang ito.  Ang gayong mga karapatan ay maaaring kasama ang mga karapatan na: hilingin sa amin na kumpirmahin na ipinoproseso namin ang personal na datos mo, humingi sa amin ng isang kopya ng iyong personal na datos (kasama ang impormasyon tungkol sa kung kanino namin ibinahagi ang datos mo); iwasto, burahin o higpitan (ihinto ang anumang aktibong) pagproseso ng iyong personal na datos; limitahan ang paggamit at pagsiwalat ng iyong personal na datos; at, hilingin sa amin na ibahagi (sa port) ang iyong personal na datos sa ibang tao, tulad ng isa pang tagapagbigay ng mga serbisyo sa telekomunikasyon (kung saan kasama ang karapatang ito sa ilalim ng naaangkop na batas).
    2. Bilang dagdag, sa ilang bansa, puwede kang tumanggi sa pagproseso ng iyong personal na datos at sa ilang pagkakataon (sa partikular, kung saan hindi namin kailangang iproseso ang datos para matugunan ang kailangan sa kontrata o ibang batas, o kung saan ginagamit namin ang datos para sa tuwirang paglalako.  Kung naaangkop, puwede mo ring bawiin ang pagsang-ayon na ibinigay mo sa amin para iproseso ang personal na datos at humingi ng impormasyon sa mga kahihinatnan ng hindi pagbigay ng gayong pagsang-ayon.
    3. Ang mga karapatang ito ay maaaring limitado, halimbawa kung ang pagtupad sa kahilingan mo ay maglalantad sa personal na datos tungkol sa isa pang tao, kung saan maapakan ang mga karapatan ng ikatlong partido (kasama ang aming mga karapatan) o kung hihilingin mo sa aming burahin ang impormasyon na kailangan naming itago ayon sa batas o mayroong nakapamimilit na lehitimong mga interes sa pagtatago
    4. Para isabuhay ang alinman sa mga karapatang ito, para magsabi ng anumang alalahanin tungkol sa aming mga gawain sa pagkapribado, o para kumuha ng ibang impormasyon, puwede kang makipag-ugnayan sa amin, tingnan ang aming mga detalye ng pakikipag-ugnayan sa itaas.  Para lang sa Australia: Isasaalang-alang namin nang mabuti ang iyong komunikasyon  at tutugon kami sa iyo sa loob ng 30 araw ng komunikasyon mo sa amin.  
    5. Kung mayroon kang hindi resolbadong mga alalahanin, maaaring mayroon kang karapatang magreklamo sa iyong mahalagang pambansang awtoridad sa pagprotekta ng datos.   Gayunpaman, makipag-ugnayan sa amin bago gumawa ng naturang pagrereklamo dahil pasasalamatan natin ang oportunidad na masiyasat at matugunan muna ang mga alalahanin mo.  
  10. GAANO NINYO KATAGAL PANANATILIHIN ANG PERSONAL NA DATOS KO
    1. Pinapanatili namin ang personal na datos hanggang sa at/o hindi mas matagal sa pinahihintulutan ng naaangkop na batas, regulasyon, buwis o kasanayan sa accounting o mga termino ng anumang mga lisensiya ng mga telecom ng gobyerno na maaaring sumasakop sa amin.  Binubura rin namin o inaalisan ng pagkakakilanlan ang personal na datos alinsunod sa anumang mga obligasyon na maaaring sumasakop sa amin.
    2. Kung hindi nakasaad ang maximum at minimum na panahon ng pagpapanatili ng datos, tinitiyak namin ang akmang panahon ng pananatili para sa personal na datos sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa: dami, uri at pagkasensitibo ng personal na datos na  laman ng mga rekord; potensiyal na panganib ng pinsala mula sa di-awtorisadong paggamit o pagsisiwalat ng personal na datos; mga layunin sa pagpoproseso ng personal na datos at kung maaari naming makamit ang mga layuning iyon sa ibang paraan.
    3. Para lang sa China: ang iyong personal na datos ay maaaring panatilihin sa mga bansang pinaglilipatan namin ng personal na datos ayon sa sugnay 7 sa itaas.  
  11. SEGURIDAD NG DATOS
    1. Gagamitin pa rin namin lahat ng makatuwirang pagsisikap para panatilihin ang seguridad ng lahat ng iyong personal na datos at pangalagaan ang naturang personal na datos laban sa maling paggamit, pagkaabala at pagkawala at laban sa di-awtorisadong pagkolekta, pagkopya, pagtingin, pagbabago o pagsisiwalat.
    2. Naglagay kami ng makatuwirang mga kontrol (kasama ang pisikal, teknolohikal at administratibong mga hakbang) na nakadisenyo para tumulong sa pagprotekta ng personal na datos na kinokolekta namin sa pamamagitan ng mga site. Gayon man, walang perpektong paraang panseguridad, kaya hindi namin matitiyak sa iyo na ang personal na datos na kinokolekta namin ay hindi makikita o magagamit kailanman sa isang di-awtorisadong paraan, na maaaring mangyari dahil sa mga pagkakataong lampas sa makatuwirang kontrol namin.  Nagpapatupad kami ng mga proseso ng pagharap sa isang hinihinalang paglabag sa personal na datos, at sasabihan ka namin at sinumang kinauukulang regulator sa isang paglabag kung saan kami hinihingi ng batas na gawin ito.
    3. Ang mga hakbang na inilagay namin para mapangalagaan ang iyong personal na datos ay ang sumusunod:
      1. Pisikal na mga hakbang, kasama ang: pinahigpit na access sa mga sentro ng computer at mga pasilidad sa pagtatago ng datos; 
      2. Mga hakbang na administratibo, kasama ang pagpapatupad ng internal na plano sa seguridad ng datos at pana-panahong mga sesyon ng pagsasanay ng tauhan;
      3. Teknolohikal na mga hakbang, kasama ang: kontrol sa access sa sistema ng pagproseso ng personal na datos at instalasyon ng daan sa sistema ng kontrol, at mga programa sa seguridad;
      4. Lahat ng access sa mga bahagi ng sistema at personal na datos ay lilimitahan sa mga indibidwal na may kaalaman sa negosyo;
      5. Ang mga karapatan sa access para sa mga indibidwal na gumagamit ay hihigpitan nang may pinakakaunting pribilehiyong kailangan para isagawa ang trabaho. Ibabatay ang mga ito sa klasipikasyon at tungkulin ng trabaho;
      6. Lahat ng pribilehiyo sa access  ay kailangang aprubahan ng awtorisadong mga partido na nagsasaad sa partikular ng kailangang mga pribilehiyo bago igawad ang anumang access; at
      7. Lahat ng gagamit ay bibigyan ng natatanging pagkakakilanlan bago sila payagan sa anumang access sa mga bahagi ng sistema, personal na datos at ibang sensitibong datos. Bilang dagdag, lahat ng gagamit ay kailangang awtentikado ng isang password sa minimum.
  12. MGA PAGBABAGO SA PATAKARAN

    Para matiyak na palagi mong alam kung paano namin ginagamit ang iyong personal na datos, isasapanahon namin ang online na bersiyon ng Patakarang ito sa pana-panahon upang ipakita ang anumang mga pagbabago sa aming paggamit ng iyong personal na datos. Maaari rin kaming gumawa ng mga pagbabago para tumalima sa mga pagbabago sa naaangkop na batas o mga kailangan ng regulasyon. Kung saan maisasapraktika, sasabihan ka namin sa anumang ibang paraan bago ang mga pagbabagong materyal na makakaapekto sa iyo tulad ng pagpapaskil ng kalatas sa aming mga site o pagpapadala sa iyo ng isang notipikasyon. Sa hangganang iniaatas ng naaangkop na mga batas, kukuhanin namin ang pagsang-ayon mo bago ipatupad ang gayong mga pagbabago. Gayon man, hinihikayat ka naming balikan ang Patakarang ito sa pana-panahon upang malaman ang anumang mga pagbabago sa kung paano namin ginagamit ang iyong personal na datos.